Heaven or Hell Episode 4 (Act XI)
ni Balderic
“KAPAKK!!!” Isang malakas na swing mula sa kamao ni Gabriel ang bumangga sa kaliwang pisngi ng The Mad. Pumilipit sa kabila ang mukha nito. Tumalsik ang dugo mula sa ilong at bibig. Halos natumba ito sa upuang kinatatalian sa kanya.
“GAHAHAHAHAHAHA!!!!!!” Malakas na halakhak ng The Mad. Para itong baliw na walang maramdamang sakit. Basag na ang mukha nito. Madugo na ang ilong at bibig. Ang kaliwang mata ay maga. Pero tumatawa parin ito na parang kinikiliti. Kinuwelyuhan ito ni Gabriel. Nasa likod nya si Karen, Yumiko at dalawa pang pulis.
“You listen to me you sick fuck. Where is Cross!? Why is he targeting me!?”
“What makes you think I’m gonna sing!? WAHAHAHAHAHA!!!! You got nothing on me! You can beat me, you can slice me! But still! You have nothing! Abso-fuckin-lutely NOTHING!!!! WAHAHAHAHA!!!!”
“PAAAGGGG!!!” “BLAGG!!” Sinipa ni Gabriel ang dibdib ng The Mad at nabuwal ito sa kina uupuan nya. Nakatagilid ito sa sahig. Lumapit pa si Gabriel.
“Gabriel tama na!” saway ni Karen. Huminto naman si Gabriel.
“Hinde nakakatulong ang pambubogbog mo sa kanya. Wala yan epekto. Kitang kita na walang pakealam ang taong yan kung ano pang gawin sa kanya. Mukhang wala tayong makukuha sa kanya Gabriel.” Paliwanag pa ni Karen.
“Bigyan mo lang ako ng limang minuto Karen. Pakakantahin ko ito ng Halleluya.”
“Pwede ba Gabriel wag kang matigas. Wag mo idaan sa init ng ulo yan. Alam ko na kritikal ang pamilya mo ngayon pero wag ka magpapadala sa galit. Walang patutunguhan yan. Kailangan nating malaman kung nasaan si Gallian Peters. Sya lang ang pwedeng makakapagturo kung nasaan yang Kaiser Cross na yan.”
Pumasok ang isang pulis sa interrogation room. Lumapit ito kay Karen.
“Ma’am, naka kuha kami ng surveillance record na pumunta nang NAIA si Mr Peters. Umalis na sya ng bansa kahapon pa.” wika nito.
“Saan pumunta ang Gallian na yan?”
“Tokyo Japan po ma’am.”
“Mukhang kailangan ko nang pumunta sa Tokyo.” Wika naman ni Gabriel.
“Isusuko namin itong lalake na to sa mga STING Agents. Mag iingat ka dun Gabriel. Para sa pamilya mo. Bumalik ka rito nang buhay.” Pakiusap ni Karen. Lumapit si Gabriel at niyakap si Karen. Hinayaan na lamang ito ng dalaga. Nakatingin naman si Yumiko at lumabas na lang ng silid.
“Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sayo Karen. Pangako, babalik ako. Aayusin ko ang gusot sa ating dalawa. Babawi ako sayo. Pangako yan.” Bulong ni Gabriel.
“Basta bumalik ka lang ng ligtas Gabriel. Okay na ako dun.” Medyo malamig naman na sagot ni Karen.