Asawa Mo, Asawa Ko?, Anak Ko, Anak Mo? – Chapter 11
ni starst1949
Ang lihim ni Tanya.
Nang gabing yon na umuwi sila ng bahay, agad nakatulog si Mike. Samantalang si Tanya, madaling araw na ay hindi pa rin makatulog.
Hindi niya maipaliwanag sa sarile kung bakit sa tagal ng panahon na nailihim niya ang isang maselan na bagay na ito ay ngayon pa siya binabagabag ng kanyang konsyensya.
Mahal na mahal niya si Mike, sa buong panahon ng kanilang pagsasama, ay wala siyang inilihim dito. Maliban dito.
Muntik na niya itong maipagtapat kanina sa kotse habang seryoso silang naguusap. Naduwag lamang siya. Ayaw niyang masaktan ang mahal na asawa.
Paano nga ba niya sasabihing SI JAY ANG TUNAY NA AMA NI MYRA.!