Minsan Part 1-2
ni j_n_b
Prologue:
Madalas ay ayaw ng mga tao ang bumabyahe, pero baliktad sa ‘kin. Basta nakaupo ako sa may bintana. Nakapila ako sa Victory Liner sa may Pasay. Excited na akong umuwi ng Baguio. Galing ako ibang bansa at dalawang taon na rin yung huling uwi ko.
“Magkikita na ulit kami. Hmm, anim na oras.” inisip ko.
Kinuha ko ang seat #16, dito sya sa kanan. Agad agad akong pumuwesto at nagaantay na lamang umalis ang bus. Nagsuot ako ng shades at jacket na may hood, sabay tinutok ko aircon direkta sakin mismo. Sarap nga talaga bumiyahe. Malagpasan lang ang Edsa, sabi ko, ok na. Nakakastress din kasi ang traffic.
Habang nagaantay, sumasakay na rin ibang mga pasahero. Naitaon na magpapasukan na kaya marami sigurong mga estudyante. Aaminin ko din, gusto ko makakita rin ng mga dalagang estudyante. Magaganda pa rin mga Pilipina, sabi ko, habang kinukumpara ko sila sa mga babae ng ibang bansa.
Di ako nagkamali, marami ngang mga estudyanteng babalik ng Baguio, at may mga magagandang dumaan na. Buti na lang naka shades ako, pasimple lang tumingin. Ha ha! May sumakay na isang grupo, mga pito sila. Mga estudyante nga, halata sa edad nila, at mukhang pares pares, magjowa. Sakto silang pumuwesto sa harapan ko, mga upuan din sa kaliwa at yung isang babaeng walang partner ang katabi ko. Ang gaganda nung mga babae. Yung katabi ko, nakasumbero’t shades din. Maputi ang kutis at mahilig mag selfie. Swerte ng mga unggoy na ‘to, nasa isip isip ko na lamang. Sana di masira tong biyahe ko.
Habang nasa Edsa na, at as usual, traffic, naka limang selfie na siguro yung grupo. Syempre, damay ako kasi katabi ko yung isang babae kaya’t sa bawa’t selfie, yuyuko na lamang ako o kakamot ng ulo. Ang gulo’t ingay pa nila. Nakahalata ata katabi ko.
“Oi, ang iingay nyo! Naiistress na si kuya.” sabi nya sa barkada nya.
Tumungin lang yung iba sakin sabay tuloy pa rin, pero di na ganun ka ingay.
“Sorry, kuya ha.”
“Okay lang.” sabay binigyan ko na lang ng ngiti.
Nagsuot na lang ako ng earphones at linakasan ko sounds ko. Medyo madilim na nung nasa NLEX na kami at may kanya kanya ng mundo ang magjowa. Mukhang natutulog yung isang pares na kalinya ko. Yung nasa harapan nila, nanunuod ng palabas sa cellphone at yung katabi ko busy nag FFB. Napasulyap ulit ako sa nanunuod na pares at kita kong gumagapang kamay ng lalake sa hita ng girlfriend nya, pataas ng pataas. Napangiti na lamang ako at pasimple ko na lamang silang pinapanuod. Salamat sa shades.
Ilang minuto dumaan, tumugtong yung kanta…
“Minsan sa may kalayaan, tayo’y nagkatagpuan, may mga sarili…”
Ewan ko ba kung anong meron sa byahe at dahil sa saktong tugtugin, bigla kong naalala yung babaeng uuwian ko, pero bigla ko rin naalala yung unang girlfriend ko nung nasa kolehiyo din ako.